Probinsyana

Ang probinsyana ay di basta-basta

Mahirap bolahin, kailangan haranahin

Ang kanyang lakad, mabibighani ka

Di biro, babaeng probinsyana

[Refrain]

Mahirap amuhin ang probinsyana

Pag napaibig, wala kang duda

Pag sa umaga pisngi namumutla

Pag nakasaya maaakit ka

Ang kanyang lakad, mabibighani ka

Di biro, babaeng probinsyana

Mahirap amuhin ang probinsyana

Pag napaibig, wala kang duda

Probinsyana, probinsyana

Aking diwata saan ka pumunta

Lumuwas ng Maynila dala ng pangarap niya

Ang kanyang lakad mabibighani ka

Nasaan na aking Maria Clara

Mahirap amuhin ang probinsyana

Pag napaibig, wala kang duda

Probinsyana, probinsyana