Muntik Na Kitang Minahal

May sikreto akong sasabihin sa `yo

Mayroong nangyaring hindi mo alam

Ito'y isang lihim itinagong kay tagal

Muntik na kitang minahal

`Di ko noon nakayang ipadama sa `yo

Ang nararamdaman ng pusong ito

At hanggang ngayon ay naaalala pa

Muntik na kitang minahal

Ngayon ay aaminin ko na

Na sana nga'y tayong dalawa

Bawa't tanong mo'y iniwasan ko

Akala ang pag-ibig mo'y `di totoo

`Di ko alam kung anong nangyari

Damdamin ko sa `yo'y hindi ko nasabi

Hanggang ang puso mo'y napagod

Sa paghihintay kay tagal

Saka ko lang naisip muntik na kitang minahal

`Di ko noon nakayang ipadama sa `yo

Ang nararamdaman ng pusong ito

At hanggang ngayon ay naaalala pa

Muntik na kitang minahal

Ngayon ay aaminin ko na

Na sana nga'y tayong dalawa

Bawa't tanong mo'y iniwasan ko

Akala ang pag-ibig mo'y `di totoo

`Di ko alam kung anong nangyari

Damdamin ko sa `yo'y hindi ko nasabi

Hanggang ang puso mo'y napagod

Sa paghihintay kay tagal

Saka ko lang naisip

Muntik na kitang minahal

Hanggang ang puso mo'y napagod

Sa paghihintay kay tagal

Saka ko lang naisip

Muntik na kitang minahal